Thursday, March 19, 2009

LP : Paboritong Alahas


Kenneth Cole Necklace

Paborito ko ang alahas na ito dahil ibinigay ito ng aking boss noong huling araw ko sa aking kompanya. Sobrang na-touch ako. Pakiramdam ko ay espesyal ako. Ikaw ba naman makatanggap ka nang ganito ka-espesyal na regalo, di ba aapaw ka rin sa galak?

(This is my favorite necklace because it was given to me by my boss on my last day at work. I felt so special when I received this gift. I guess anyone who receives this kind of gift will overflow with joy.)

Ang kuwintas naman na nakikita ninyo sa kaliwa ay bigay din. Galing naman sa Executive Director for Regional HR, ng parehong kompanya. Kakatuwa ano?

Ibinigay sa akin dahil natuwa sila nang na-organisa ko ang ang HR Regional Meeting dito sa Pilipinas. Maraming pakulo at matiwasay na naidaos ang pagpupulong na iyon kaya kaming dalawa ng kasamahan ko pati na ang aking boss ay nabigyan ng Tiffany. Naluha talaga ako nang iniabot sa akin to. Wala pang nagbibigay sa akin ng alahas. Lahat ay binibili ko. Katulad ng singsing sa ibaba. Dinisenyo ng alahera ko at naaliw naman ako kaya't dali dali kong binili.

(The necklace on the upper left photo is also given to me. It was from the Executive Director for Regional HR of the same company. Ain't that great? I organized the HR Regional Meeting here in Manila and he was so impressed that's why together with an office mate and my boss, the three of us recieved a Tiffany jewelry. I felt teary eyed when I received that. Nobody has ever given me a jewelry. Every jewelry I have, I bought it myself. Just like the ring on the lower photo. I was designed by my jewelry maker and upon seeing it, I immediately bought it. )

Kayo? Anong paborito ninyong alahas? (What's your favorite jewelry?)

Kung nais ninyong lumahok sa Litratong Pinong, i-click lamang ang badge sa itaas.

22 comments:

Enchie said...

wow mommy! ang gaganda naman...nakakaaliw lalo na ang singsing.ingatan...mukhang mahalaga ang bawat isa :D

skywind said...

Shiny jewelry, women are favorites! :)
What is Really Healthy-Health Blog
Humor & Fun World-Funny Blog

FickleMinded said...

galante naman ng boss mo, hindi basta-basta kung magbigay ng regalo!

MiLeT said...

ang swerte mo sa iyong mga boss. pero malamang swerte din sila sa yo kasi nde ka naman nila bibigyan ng ganyan kung nde maganda trabaho mo.

salamat sa pagbisita sa aking lahok sa blipbit.com

Rico said...

Mukhang maswerte ang kumpanya sa iyo, lalo na at nabibigyan ka ng ganyang mga regalo. Ibig lang sabihin nyan talagang magaling ka.

B said...

I'm sure well deserved yang mga yan! :D Ang ganda din ng design ng singsing. Kakaiba!

Happy LP!

Buge

TeacherJulie said...

Bossing, gusto kitang maging boss :D Galante si boss ha, Salen, hehehe

Happy LP!

http://greenbucks.info/2009/03/19/dog-bling-bling/

Marites said...

ang galante ng mga boss ah..ang gaganda pa nang ibinigay:)

Gustung-gusto ko iyong sing2 mo. kakaiba!

anj said...

hehe. aliw naman boss mo. katuwa.

ito aking lahok: http://impulseblogging.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy-paboriting-alahas.html

Thess said...

Nakakatuwa na may mga boss pa rin na marunong mag appreciate ng hard work di ba? :)

I like your ring!

regards,
thesserie.com

Pinay Rich Mom said...

Nakakatuwa naman at ang gaganda ng mga binigay sa iyong alahas. Tama ka, mas memorable ang isang bagay kapag binigay sa yo. :) Siguro masarap maging empleyado sa dati mong kompanya.. pwede ba akong mag-apply? hehehe ;)

Joy said...

Bait naman ni bossing mo!!!! magaganda nga lahat at espeyal..... eto nmn ang sa kin http://aussietalks.com/2009/03/litratong-pinoy-paboritong-alahas.html

mirage2g said...

I like your bling...especiall ung green stone!

San b si boss now? hehe

alpha said...

ang bait naman ng boss. yung boss ko tuwang tuwa nung nag-resign ako bwahahahahaha!!!

alpha
http://alphadf.com/

Joe Narvaez said...

Ang galing ng shot! Happy LP!

jeannycdj.com said...

uy nice. I love that piece!

fortuitous faery said...

wow...kenneth cole!

Pinky said...

The ring's design looks so intricate - nice!

MrsPartyGirl said...

pwede bang mag-apply sa company niyo? hehe! :) ganda ng mga pieces, lalo na yung ring. one of kind ba yan? kung ganun, mas dagdag ang value niya. :) happy lp! :)

CAL said...

hala! hindi ka rin binibigyan ni tony? haha pareho tayo!!!waaaahhhh!!!ganda ng mga shots:)

Moonlight-Mom said...

parang gusto kong alamin saang kompanya ka nagwo-work. hehehe... okay sila matuwa, alahas ang reward. :) at di basta-basta... tiffany lang naman.

Lanie, said...

I am sure your kids had so much fun bonding together and I wish my son has a sibling, but it's okay he had a lot of cousins in the Philippines. Thanks for your visit in my blog. tc