Wednesday, July 29, 2009

LP : Proteksiyon


Huwebes na naman, ang bilis talaga ng panahon! Ang tema ngayong linggo na ito sa Litratong Pinoy ay "proteksiyon". Ang unang litrato ay ang sunblock na ginamit namin noong summer. Napaka-importante nito upang maiwasan ang masamang epekto ng ultra violet rays ng araw sa ating katawan, kaya dapat maglagay nito araw-araw hindi lamang tuwing summer.

(It's Thursday once again, time flies so fast! Protection is this week's Litratong Pinoy theme. The first photograph is the sunblock we used during our summer adventures. Sunblock is very important to protect us against the sun's UV rays, that's why we need to put sunblock not only during summer but every day.)

Sunblock


Heto naman ang aking dalawang bagets na suot ang protective gears nila at handang-handa na para sa aming Subic Tree Top Adventure kung saan ay nag-rapel sila, canopy lift ride at superman ride. Noong una ay natakot ako na pasamahin ang aking bunso ngunit nakita ko naman na protektado sila at naka-alalay ang mga tao doon kaya napapayag na ako. Enjoy na enjoy sila.

(Here's my two kids wearing their protective gears and ready to have their Subic Tree Top Adventure where they experienced rappelling down a tree, canopy lift ride and superman ride. At first, i was so scared to let my youngest go on the adventure but I saw that they are well protected and the assistants are so helpful, so I agreed. My kids really enjoyed this adventure.)
Kids all set

Halika at bisitahin ninyo ang ibang litratistang Pinoy dito.
(Come and visit other LP entries here.)

13 comments:

khaye said...

http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/07/lp-68-proteksyon-protection.html
kailangan natin yan ngayon sa init.ito aking lahok.

♥Willa♥ said...

iyan ang proteksyon na lagi kong dala dala para sa anak kong bunso,dahil sya ay nagkaron ng eczema at ngayon,konting init lang eh namumula na sya or nangangati,kaya kailangan nya ng proteksyon mula sa init ng araw.
LP:Proteksyon

Marites said...

lagi kong nakakalimutan iyan..ewan ko ba. dapat laging ginagamit lalo pa't naglalaro ako ng tennis.

admin said...

naku d dapat mawala yang sunblock lalo't mag beach o matagal mabababad sa araw.. happy Lp

http://www.intuitivereasoning.com/2009/07/29/litratong-pinoy-proteksyon-protection-fern-c/

Carnation said...

nakalimutan ko nga last may maglagay ng sunblock sa aking batok. kaya ayun na sunburn. mabuti di mo nakakalimutan yan. ito sa akin - http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html

luna miranda said...

pareho tayo ng naisip na "proteksyon'.:P

your kids are good-looking.:P

PEACHY said...

mukhang nag enjoy nga ang mga anak mo sa adventure nila sa subic...
ito naman ang aking proteksyon.
Magandang araw ng huwebes kaibigan!

JO said...

dito kailangan namin ng sunblock kahit na mag park lang kami... nakakaitim kasi ang araw dito.

eto po ang aking lahok.

Rico said...

Galing nung Subic Adventure trip ah! Dapat talaga nag sunblock kung lalabas sa araw.

Moonlight-Mom said...

first time i've heard of subic tree top adventure. sounds and looks like fun indeed. that's something for my teenage boys. of course, i won't forget to bring the sunblock :D

J said...

Tama nga yang naglalagay ng sunscreen bilang proteksyon. Nakaka-ilang bote na din kami kasi panay ang swimming ng mga bata.

magandang araw!
salamat sa dalaw!

Dinah said...

moms bestfriend talaga ang sunblock, lalo na at kung ayaw natin ng sunog na anak. heh e
heto naman ang aking lahok sa proteksyon. pakidalaw po :-)

Ria said...

sabi nila great minds think alike...pareho tayong post hehehe!!! hindi ko pa natra-try yung beach hut though. ok ba siya?

andito po ang akin!